Tamang Panahon
Minsan, matagal bago sagutin ng Dios ang mga panalangin natin at hindi ito madaling maunawaan.
Iyon ang nangyari kay Zacarias na isang lingkod ng Dios. Minsan, nagpakita sa kanya ang anghel na si Gabriel. Sinabi nito na pinakinggan ng Dios ang panalangin nilang mag-asawa. Magsisilang si Elizabeth ng isang sanggol na lalaki na papangalanan nilang Juan (LUCAS 1:13).
Marahil, ilan…
Katarungan
Sa isang pagtitipon, may mga nakausap ako na nagmulat sa isipan ko. Ang una kong nakausap ay ang pastor na nakulong dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. 11 taon pa ang hinintay niya bago siya nakalaya. Sunod kong nakausap ang ilang pamilyang dumanas ng pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Nagbayad sila ng napakalaking halaga para tulungan silang makatakas sa kanilang…
Ngumiti
Pumunta kami ng asawa ko noon sa isang kilalang museo sa Paris. Pag-uwi namin ng bahay, agad naming tinawagan ang aming apo na si Addie. Ikinuwento namin na aming nakita ang sikat na obra ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa. Tanong ni Addie, “Nakangiti ba si Mona Lisa?”
Ito ang laging itinatanong kapag pinag-uusapan ang obrang iyon. Mahigit 600 taon…
Sa Kalungkutan
Noong una kong makita ang sanggol, hindi ko napigilang maiyak. Ang ganda sana nitong pagmasdan, kaya lang, wala na itong buhay.
Nang mamatay ang sanggol, sumulat sa amin ang ina nito. Sinabi niya, “Napakasakit ng pangyayaring iyon para sa amin. Pero ipinakita ng Dios ang pagmamahal Niya sa amin. Naging makabuluhan ang buhay ng aming anak dahil natuto kaming magtiwala nang…
Magpakumbaba
Ang sabi ni Jane Yolen sa kanyang isinulat na sanaysay na Working Up to Anon, “Ang pinakamagagaling na manunulat ay iyong mga hindi ibinubunyag na sila ang sumulat ng isang akda. Para sa kanila, ang kuwento ang mahalaga at hindi ang sumulat nito.”
Ang kuwento naman na ipinapahayag ng mga sumasampalataya kay Jesus ay tungkol sa pag-aalay ng buhay ng Panginoong…